10:34 AM thoughts

Saturday, June 25, 2016





Alam mo, mahal, lahat ng sinasabi natin ay pwedeng magbago.

Hindi natin alam kung kailan,
kung paano,
kung bakit.
Pero pwedeng magbago.

Nung sinabi mong maghihintay ka?
Asan ka na ba ngayon?
Nag-iintay ka parin naman.

Sa ibang tao nga lang.


At kung sinabi ko ngayon na mahal pa rin kita,
Maghihintay lang din ako, magbabago din 'to,
Mahal ko.

You Might Also Like

0 comments