october drama

Saturday, January 09, 2016


OCTOBER 26, 2015 8:57 AM


'Kala ko ba nakalimutan ko na?
Ba't ngayon bumabalik ka pa?
Dapat hindi na kita naaalala
Kasi pakiramdam ko, lalo lang lumalala.

"Ayoko na", sabi ng utak ko.
"Pwede bang isa pa", sabi ng puso ko.
Alam mo naman 'tong puso ko
Tanga 'to.

Nagdasal ako kagabi
Sa mga bagay na pwedeng mangyari. 
Sabi ko, "Lord, Kayo na po ang bahala,
Ayoko na pong muling umasa."

O kaya naman, siguro, wala lang sayo.
Siguro nga pinakilig mo lang ulit ako
Bumalik ka lang saglit kasi magkagalit kayo ng jowa mo.
Masyado lang siguro ako nag-assume
Na meron pa akong puwang dyan sa puso mo.

Pero siguro, sa tamang panahon maiintindihan ko rin.
Malay ba natin, baka ako'y palarin.
At kung hindi man ikaw ang para sa akin,
Sana Alam kong kaya ko na itong tanggapin.

                                                                                                                     
*the making (chos!)*

Pagkagising ko nung araw na yun, I instantly get my phone beside me.
 As I was scrolling through my Facebook feed and I came across that exact photo which made me write the poem above. The moment I read what's written on it, parang nabuo na lang kaagad yung mga words na 'yan, so kinuha ko agad yung notebook ko at sinulat kung anong nasa isip ko (as always naman hahah). Kung anu-ano na namang kadramahan at ka-cornihan ang pumasok sa utak ko nung umagang 'yon, hahah! Ewan ko, naka-relate ba 'ko? Jowk, hahah! Oo.

So, ayun, wala lang, gusto ko lang i-share. Pero, srsly.. anong hugot ko?
'Yun lang. Magandang gabi! ♥ 

(credits pala sa owner ng photo!)

You Might Also Like

0 comments