lost

Tuesday, February 09, 2016

Noong Ika'y aking unang makilala
Ang aking buhay ay tuluyang nag-iba
Dama ko ang buhos ng Iyong biyaya
O, Panginoon ko, tunay ngang iba Ka!



Tuwa at kislap sa aking mga mata
Ang lagi nilang pansin at nakikita
Ngiti at tawa sa aking mga labi
Saya ay talagang hindi mo mawari.

Sa mga araw na ako ay may lungkot
At sa gabi na minsan ay may poot
Para saakin Ika'y parating nariyan
Upang ako'y patnubayan at gabayan.

Sa mundong ito na puno ng panganib
Mga daan na madilim at maliblib
Ika'y sa aki'y laging nakaalalay
Higpit Mong hawak ang aking mga kamay.

Ngunit ako ay biglaan nang bumitaw
'Di alam, pero para bang naliligaw.
Ako ay nahihilo at nalilito,
At mundo ko ay tuluyang gumugulo.

'Di ko na alam pa kung saan ang daan,
Ako ay sobra nang nahihirapan.
Buhay ko'y tuluyang nawalan ng saysay
Kung hindi ko Sayo ito iaalay.

Nang sa panaginip, ako ay nagising.
Nagising sa malalim na pagkahimbing.
Ninais Kang masilayan at makita
Muli Kang makapiling at makasama.

Ako'y humihinging tawad at pasensya
Sa'king pagkawala at mga nagawa.
O, dakilang Diyos at aking Panginoon,
Sa buhay ko'y kailangan kitang sobra.

Lubos ang pasasalamat ko po, Diyos ko
Sa 'di pagkukulang at 'di pagbabago.
Sa pagmamahal mo sa'kin nang totoo,
Na higit at labis pa sa todo-todo.

                                                                                 

Nandito na naman ako sa puntong hindi Kita iniintindi. Alam kong andyan Ka pero parang wala lang sa akin. Hindi ko alam kung anong kademonyohan na naman ang humahatak sa akin papalayo sa piling Mo. Dinadala na naman ako nito sa maling landas. I feel so empty, alam Mo po 'yun. Pero paulit-ulit na lang ba? Ang daming mga tanong sa isipan ko, pati pagdududa, minsan nasa loob na ng utak ko. Alam kong kailangan ko ng tulong, pero alam ko rin na ayaw ko. Bakit kailangan maging ganto? Hindi ba pwedeng pag nasa Iyo na ako, Sayo na talaga at wala nang pwedeng umagaw pa? Bakit Mo 'ko hinaayaang maging ganto? Maling kwestsunin Ka alam ko, pero sobrang litong lito na ako. Pero at the end of the day, alam ko naman na Ikaw ang tama, bakit pa ako nagkakaganto? 

Masyado na tayong nagkakalayo. Miss Kita pero wala akong ginagawa. Alam kong miss mo na rin ako at nasasaktan kita sa t'wing dinededma kita, sorry. May mga bagay na mas inuuna ko pa kesa Sayo na alam kong hindi dapat. Madalas hindi na ako nakakapagdasal, hindi na tayo nakakapagkwnetuhan sa gabi. Hindi ko na nakukwento yung araw ko, hindi ko na nakukwento yung mga taong nagpapasaya o nagpapalungkot sa akin, hindi na ako nakapagpapasalamat, hindi ko na naipaparamdam na importante ka sa akin at mahal kita. At hindi na rin ako nakapagsisimba at hindi na rin Kita napapupurihan. Alam kong mahal Mo ako, at may mga bagay na sadyang hindi ko maiintindihan sa ngayon. Alam ko rin na alam Mo kung bakit ako nagkakaganto.  Ikaw ang may hawak ng buhay ko magmula noong isinuko ko Sayo ito. Gusto kong madama kita ulit sa buhay ko. Gusto kong maramdaman ang pagkilos mo. Gusto kong linisin Mo uli ang puso ko at ituon Mo ito Sayo at gawin Mo na ang lahat ng gagawin ko ay maging para Sayo. 

Ayoko na nang ganito. Nauuhaw na ako. Nababalot na ako ng kademonyohan at nalalayo na ako Sayo. Ayokong mamuhay at mamatay nang wala ako sa piling Mo. Sunduin Mo na ulit ako.
Mahal po Kita at sorry dahil hindi ko napaparamdam.


You Might Also Like

2 comments

  1. hello neah! feeling ko ako nagsulat neto, sobrang nakakarelate ako kasi ganyan rin pakiramdam ko minsan. naluha ako habang binabasa ko hehehe pero pls be strong huhuhu hindi ko alam kung paano ako magbibgay ng advice (kahit hindi ka naman nagtatanong) at wala rin ako sa lugar para magbigay kasi may mga struggles din akong pinagdadaanan sa faith ko, pero isipin nlanag natin na mahirap talaga. pero lahat ng mahirap worth it sa huli. at sure ako na even though you feel lost right now, hahanapin ka pa rin ni Lord, hihilain ka niya pabalik. try molang buksan ulit ung heart mo kahit na pilit sinasara ng mundo. talk to him, i'm sure yayakapin ka niya and He'll open your eyes again. I love you neah, but i'm certain that God loves you more. sobrang more, mahihiya ung pinagsama samang sand sa buong earth. be strong, i'm sure pag na overcome mo to mas magiging matatag ka pa. so fight, let's fight the good fight together :)

    ReplyDelete